CHICAGO — Tumipa ng 20 points at 10 rebounds si Joel Embiid, kumamada ng 23 naman si JJ Redick at tinalo ng Philadelphia 76ers ang Chicago Bulls, 116-96.

Si Embiid ay mayroong limang assists at tatlong blocks sa ikalawang magkasunod na laro matapos na hindi nagpakita sa court sa loob ng tatlong laro.

Bagamat namamaga pa rin ang tuhod ng All-Star center, nagagawa pa ring maayos ng Sixers ang kanilang workload ngayong nalalapit na rin ang playoffs.

Samantala, nagdagdag ng 16 points si Tobias Harris, 14 mula kay Ben Simmons para sa 76ers.