-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 03 11 53 42
IMAGE | Courtesy by Manila City Mayor Isko Moreno

Aabot sa halos 100 video karera ang kinumpiska at sinira ng mga otoridad ng Manila City government matapos ang dalawang araw na operasyon ng raid sa buong siyudad.

Nitong umaga nang ilatag ng Manila Police District ang 75 sa mga nakumpiskang iligal na video karera sa compound ng Manila City hall.

Ayon kay MPD chief B/Gen. Vicente Danao Jr., parte pa rin ito ng kampanya ng pulis sa Maynila kontra illegal gambling.

“Ito yung prina-priority number one ni Mayor dahil ito yung nakakasira sa ating mga kabataan. Dito nalululong yung mga bata.”

Kaugnay nito inirekomenda ng hepe kay Mayor Isko Moreno na i-donate sa mga paaralan ang ilang tv sets na kasama sa mga nakumpiska.

Una nang nangako si Moreno na tututukan nito ang mga iligal na aktibidad sa siyudad gaya ng mga sugalan at pangingikil ng ilang opisyal ng pulisya.