CEBU CITY – Malaki ang ibinaba ng kita ng mga hotel, resort and restaurant sa buong lalawigan ng Cebu.

Ito ang pahayag ni Carlo Anton Suarez, ang Hotel Resort and Restaurant Association of Cebu President nang nakapanayam esklusibo sa Bombo Radyo Cebu.

Ayon kay Suarez na 60 hanggang 75 porsIyento ng mga hotel ang nagpatupad na ng temporary shutdown ngunit nananatili namang nakabukas ang mga restaurant at nagpatupad lang ng skeletal force sa kanilang mga empleyado.

Aniya, malaki ang naging epekto sa turismo ang kinakaharap ngayon ng bansa kaya naman ay malaki din ang epekto nito sa kita ng mga hotel.

Nilinaw naman nitong may ibang hotel na manananatiling nakabukas ngunit limitado lang diumano ang mga serbisyo nito.

Habang, ipinaalam din ni Suarez, bilang general manager ng Cebu Grand Hotel, na magpapatupad na rin sila ng temporary shutdown sa darating na Lunes, Hunyo 15, dahil inamin nitong hirap sila sa sitwasyon na apektado ang turismo at diumanoy gagawin nila ito upang hindi tuluyang malulubog ang negosyo.

Giit nitong agad na babalik sa operasyon kung mapapaaga rin ang pagbalik ng turismo sa bansa.

Siniguro rin ni Suarez na mabibigyan ng kaukolang financial package ang kanilang mga empleyado na apektado sa temporary shutdown.