LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lolo matapos na makunan ng iba’t ibang klase ng baril at pampasabog sa kanyang tahanan sa Barangay Talisay, San Fernando, Masbate.

Kinilala ang suspek na si Dencio Ramiso, 75.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Niño Aquiatan ang hepe ng San Fernando PNP, lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na ang bahay ng suspek ang pinagtataguan ng mga armas ng NPA tuwing magsasagawa ang mga ito ng pang-aatake.

Narekober sa bahay ng suspek ang dalawang rifle grenade launchers; isang M203 grenade launcher; hand grenade; caliber .38 revolver, caliber .22 revolver at iba’t ibang klase ng bala.

Sa ngayon nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at Republic Act No. 9516.

Nabatid na biyenan ang suspek ni Mario Esparagera alyas Ka Mayong na kumander ng NPA sa Ticao area.