Hiling ng mga senador na nagsulong ng Anti-Terror Act of 2020 na bigyan muna ng tyansa ang batas bago kontrahin.
Ito ang naging pahayag ni Senate committee on public order chairman Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa panayam ng Bombo Radyo, kasunod ng pag-uunahan ng ilang grupo para kwestyunin sa Korte Suprema ang bagong lagda pa lamang na batas.
Ayon kay Dela Rosa, sana ay maipatupad muna ito, para makita ng publiko ang nakapaloob na safeguards na siyang magpoprotekta sa karapatang pantao ng sinumang magiging subject ng implimentasyon nito.
Sa kasalukuyan, hindi pa ito ganap na naipapatupad habang hinihintay pa ang publication at Implementing Rules and Regulations (IRR).
Para naman kina Senate committee on national defense chairman Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ibuhos na raw ng mga kontra ang kanilang petisyon para agad nang maresolba ng korte.
“I do not think SC justices can be… by anyone or the number of petitions. It’s about content! So you are filing? Be my guest!” wika ni Sotto.