-- Advertisements --

NAGA CITY- Sa kabila ng malakas na pag-ulan at banta ng COVID-19, naging matagumpay ang pagdiriwang ng 72nd Charter Anniversary ng Naga City.

Ito ay sa kabila ng mas pinasimple at mas pinaikling selebrasyon.

Kung maalala, kumpara noong mga nakaraang taon ay mayroon pang mga isinasagawang parada kaugnay ng naturang okasyon.

Kaugnay nito, dumating din ang mga opisyal ng lokal na gobyerno ng naturang lungsod, gayundin si CamSur 3rd Distrcit Rep. Gabby Bordado maging ang video message ni Vice President Leni Robredo.

Sa kabilang dako, kasabay din ng naturang selebrasyon ang muling pagbubukas ng Plaza Rizal na halos ilang buwan na isinara matapos ipasailalim sa reconstruction dahil sa banta ng naturang pandemya.

-- Advertisement --

Samantala, naging masaya pa rin ang selebrasyon gayundin ang muling pagbubukas ng nasabing plaza.