-- Advertisements --

Umakyat na sa 72 ang patay sa nangyaring karahasan sa South Africa.

south africa 1

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pag-aresto kay dating President Jacob Zuma.

Kabilang na sa bilang ng mga namatay ang 10 katao na nasawi habang may nangyaring looting sa isang shopping center sa Soweto.

Idineploy na ang mga militar sa nasabing lugar upang tumulong sa mga pulis sa pagbabantay upang maiwasan ang karahasan.

Nauna nang kinumpirma ng South African police na nakilala na nila ang 12 suspek na silang nagsimula sa riot habang nasa 1,234 naman ang naaresto.