-- Advertisements --
Humaharap ngayon sa kahirapan ang nasa 71 million katao dahil sa nagpqpatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ayon sa United Nation Development Program (UNDP).
Ang epekto ng giyera sa presyo ng mga pagkain at enerhiya ay inaasahang magpapataas pa lalo sa bilang ng mahihirap sa buong mundo.
Ayon pa sa report mula sa UNDP dahil sa epekto ng Russia-Ukraine war, humigit kumulang sa 51 million indibidwal ang lugmok sa kahirapan na mas mababa sa poverty line sa unang tatlong buwan ng giyera na nagsimula noong Pebrero 24.
Dahilan para tumaas ang bilang ng mahihirap sa buong mundo sa 9%, nagdulot din ang giyera ng pagkalugmok ng 20 million katao sa kahirapan na mas mababa sa poverty line na USD3.20 sa lower-middle-income countries.