-- Advertisements --
Nasa 71 migrants ang nasawi matapos ang lumubog ang sinakyan nilang bangka sa karagatan ng Syria.
Mayroon ding 20 survivors ang kasalukuyang ginagamot sa isang ospital ng Tartus City.
Ayon sa mga otoridad na pawang mga Lebanese, Syrian at Palestinian nationals kabilang ang mga babae at bata ang nalunod.
Aabot sa 120 hanggang 150 katao ang lulan ng nasabing bangka ng ito ay lumubog.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng paglubog at sinasabing patungo sa Europe ang nasabing bangka.