-- Advertisements --

Gaganapin sa bansang Israel ang 70th edition ng Miss Universe.

Inanunsiyo ng Miss Universe Organization sa kanilang social media page na napili nila ang Eilat, isang port city ng southern Israel, na paggaganapan ng prestisyosong pageant sa buwan ng Disyembre.

Ipinakita sa video announcement ang mga nagdaang Miss Universe winners kasama sina Margie Moran na nagwagi noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015 at Catriona Gray noong 2018.

Sa kabuuan ay mayroong apat na Miss Universe winners ang bansa kabilang si Gloria Diaz noong 1969.

Kokoranahan naman ang pambato ng bansa sa Miss Universe na papalit kay Rabiya Mateo sa darating na Setyembre 25.