-- Advertisements --

Hindi bababa sa 700,000 na mga bata sa bansang Sudan ang inaasahang makararanas ng malnutrisyon ngayong taon kung saan maaaring ikamatay ng ilang libong mga bata. 

Iyan ang babala ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng armed forces ng Sudan at ng paramilitary Rapid Support Forces. Nasa ika-sampung buwan na ang digmaan na nagdulot ng pagkasira sa imprastraktura at naging dahilan ng pagkawala ng tahanan ng milyong katao.

Inamin ng UNICEF na hindi nila kayang masuportahan ang lahat ng mga apektadong mga bata kaya nangangamba sila na magdulot ito ng pagkamatay ng ilang libong mga bata. 

Ibinunyag ni UNICEF Spokesperson James Elder na maaaring kapitan ang mga bata ng severe acute malnutrition kung saan pwede nitong ikasawi ang iba pang sakit gaya ng cholera at malaria. 

Dahil dito, nanawagan din ang UNICEF ng international support partikular na ang tinatayang 840 million dollars upang maipagpatuloy nito ang tulong sa 7.5 million na mga bata sa Sudan.