-- Advertisements --

Nasa 700 mga medical personnel mula sa PNP ang mababakunahan ng Covid -19 vaccine.


Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lt Gen. Guillermo Eleazar
may priority list na ang Philippine National Police sa mga babakunahan laban sa COVID 19.


Prayoridad nila ang medical frontliners, Medical Reserve Force, Reactionary Standby Support Force at mga contact tracer.


Kasunod nito, tuturukan naman ang mga tauhan ng PNP na matatanda na.


Susundan ng mga key officer sa operational at administrative unit at mga pulis sa Quarantine control points at mga checkpoint.


Ayon kay PNP Directorate for Operations, Lt Gen. Cesar Hawthorn Bing nakalatag na ang kanilang security plan Oplan Caduceus, binubuo ito ng Task Group vaccine cold chain at logistic management, STG COVID 19 immunization program pamumunuan ng DPRM at STG Demand Generations and Communications na pamumunuan ng DPCR.

Iniyahag pa ni Binag na sa ngayon nakaalerto na ang regional vaccination operation center sa buong bansa.


Wala namang mangyayaring pilitan sa hanay ng PNP para magpaturok ng COVID 19 vaccine.


Nasa 63 percent sa hanay ng PNP ang nagpahayag na magpapabakuna kahit anong brand pa.


Kabilang na sa mga nais magpabakuna ay ang mga Police Generals, subalit hindi sila kabilang sa priority list ng PNP.


Marami ang mas pabor sa mga tauhan ng PNP na ang bakunang gawa ng Pfizer kontra Covid-19, ang ituturok sa kanila kaysa sa bakunang gawa ng China na Sinovac.


Ayon kay Eleazar, malinaw sa 700 mga unang babakunahan sa PNP na Pfizer ang gagamitin sa kanila.


Dahil ito ang dapat na maunang darating sa bansa.

Ngunit na-delay ang pagdating nito at maaring mauuna pa ang SINOVAC mula sa China.


Sinabi ni Eleazar na pati sa kanilang mga isinagawang Survey ay mas gusto ng Karamihan ng mga Pulis ang Pfizer.