-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinauwi na 70 pamilyang evacuees sa bayan ng Pamplona, Cagayan sa kani kanilang mga tahanan makaraang bumaba na ang antas ng tubig sa Cagayan River

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Chester Tinididad, information Officer ng DSWD region 2 na nauna nang ay nagpatupad ng preemtive evacuation ang Local Government Unit ng Pamplona sa 70 pamilya na binubuo ng humigit kumulang indibidwal na mula sa dalawang barangay ng Pamplona dahil sa naganap na malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Apayao dulot ng tail end of the cold front .

Nagbigay din ng food assistance ang LGU Pamplona sa mga pamilyang inilikas.

Sa ngayon anya ay humupa na ang pag-ulan sa Apayao at unti unti nang bumababa ang antas ng ilog sa bayan ng Pamplona kayat nagpasya na ang pamahalaang lokal na pauwiin na ang mga evacuees sa kani kanilang tahanan.