-- Advertisements --

Magbibigay ang Amerika ng US$70 million assistance para sa military infrastructure program ng Pilipinas sa susunod na dalawang taon.

Ito ang kinumpirma ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kasabay ng pagpapahayag ng kahandaan ng US na tumulong sa bansa habang naghahanap ito ng karagdagang paraan para mapalawig pa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement​ ​(EDCA) at mapalakas pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Ayon pa sa envoy na ang naturang improvements ay idinisenyo para malinang ang cooperative defense capacities at support Humanitarian Assistance Disaster Response activities para matugunan ang pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines at ng alliance nito.

Sinabi din ng envoy na si Department of National Defense Office-in-Charge Jose Faustino Jr. na ang magdedesisyon kung saang proyekto ilalaan ang naturang assistance subalit hinikayat ang military ng bansa na tukuyin ang mga programa na makakatiyak para sa seguridad ng publiko, water security at territorial integrity.