Nasa 70 mga empleyado ang apektado ng tigil-operasyon ng Coca-Cola Beverages Philippines Incorporated sa lungsod ng Naga.
Mababatid, kahapon ng kumalat sa social media ang mga larawan kaugnay ng nakapaskil na anunsyo ng nasabing planta hinggil sa pagsuspindi ng operasyon nito.
Nakasaad sa nasabing announcement na ang pagtigil ng operasyon nito ay ang dahil sa kakulangan ng supply ng bottler’s grade sugar.
Ito ay kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na umano’y sugar crisis sa Pilipinas.
Samantala, sinisikap umano ng kumpanya na maibalik sa normal ang produksyon ng planta lalo’t wala na sa ideal level ang supply ng kanilang produkto sa merkado.
Sa kabila nito, sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Naga sa nasabing planta, nabatid na ito lamang ang planta ng Coca-Cola sa buong Bicol Region.
Sa ngayon, wala namang impormasyon kung kailan muling magbubukas ang operasyon ng nasabing planta.