TACLOBAN CITY – Aabot sa 70 housing units sa isang Yolanda resettlement site sa Tacloban ang ninakawan ng mga wirings.

Ayon kay Enrique Ramasasa, liaison officer ng contruction company sa Greendale Village resettlement site, sa ngayon ay nahuli na ang tatlong mga suspek kung saan dalawa rito ay mga menor de edad at pawang mga residente lamang ng katabing barangay.

Aabot naman sa P300,000 ang halagang nawala sa mga ninakaw na mga wirings.

Dagdag pa ni Ramasasa, matagal nang problema sa naturang resettlement sites ang naturang pagnanakaw kung saan ito ang dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang nasabing pabahay.

Maliban sa mga ninakaw na mga wirings ay ilang mga bintana rin ang nasira at nabasag.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP ang isa sa mga suspek habang ang dalawang menor de edad na suspek naman ay nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).