-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Vietnamese nationals na nagbebenta ng mga Nitrous Oxide (N20) sa isang KTV Bar sa Pasay City.

Ayon sa NBI na nakatanggap sila ng ulat na laganap sa nasabing bar ang pagbebenta ng Nitrous Oxide na kilala bilang “Laughing Gas” na isang uri ng kemikal compound na inihahanay sa volatile substance.

Nakuha sa establishimento ang ilang tangke ng Nitrous Oxide.

Kasamang naaresto rin ang head security ng bar na si Jose Fritz Reginio na nakuhanan ng calibre 45 na baril at 25 na bala nito.