-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ipinagkaloob na ng pamunuan ng 5th Infantry Division Phil. Army sa 7 rebel returnees ang kanilang benipisyo na mula sa Enhance comprehensive local integration program (E-CLIP) matapos ang mahigit 8 buwang pagsusuri at pagproseso ng kanilang mga papeles.

Dalawa mula sa pito ang nakatanggap ng tig-Php95,000.00 mula sa firearm remuneration program ng militar at ang nalalabing lima ay nakatanggap ng tig-Php65,000.00 tulong pinansiyal mula naman sa E-CLIP.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt. Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade sinabi niya na bukod sa pagpapatupad ng E-CLIP ay naumpisahan na rin ng militar ang pagsususlong ng youth leadership summit mula sa Nueva Vizcaya hanggang Lower Apayao bilang bahagi ng kanilang programa sa pagsugpo sa insurhensiya na layuning maipamulat sa mga mag-aaral at mga kabataan ang mga panlilinlang ng makakaliwang grupo.