Tiniyak ni NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde na ipapatupad nila ang full extent of the law kapag hindi pa sumuko ang pitong pulis Malabon na miyembro ng Malabon City Police Station Drug Enforcement Unit (MCPS-DEU) na sa sangkot sa ninja type kidnapping at robbery extortion.
Siniguro nito na maaresto din ang mga ito sa susunod na mga araw.
Payo naman ni Albayalde sa pitong pulis na nagtatago ngayon na sumuko na lamang at harapin ang mga charges laban sa kanila.
Hinimok naman ni Albayalde na tulungan ang PNP sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng nasabing mga pulis.
Una ng naaresto ang apat na Malabon police DEU sa isinagawang entrapment operations na nakilalang sina SP02 Ricky Pelicano, P02 Wilson Sanchez, P01 Joselito Ereneo at P01 Frances Camua.
Ang pitong iba pa na at large ay miyembro ng PNP Civil Security Group (CSG), Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) na mga kasabwat din sa insidente.
Aniya, magpapatuloy ang kanilang internal cleansing sa kanilang hanay at sisiguraduhin na mananagot ang mga pasaway na pulis.
“We are together in these effort of cleansing our ranks, we will remain relentless and will provide the necessary support to all operating units working in our jurisdiction so that our campaign will gain results like this,” wika ni Albayalde.