-- Advertisements --
Umaabot sa 26 na bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy overseas ang naidagdag nitong araw.
Sa ulat ng DFA ang mga nahawa na OFWs ay nagmula sa mga bansa sa Asya, Pacific, Europe at Middle East.
Liban sa nabanggit meron namang pitong mga kababayan ang namatay dahil sa deadly virus sa Gitnang Silangan.
Sa ngayon nasa 733 na ang mga Pinoy overseas ang kabuuang death toll.
Ang mga kumpirmadong kaso naman ay nasa 9,959 na.