-- Advertisements --

Napabilang ang 7 bagong sites ng Pilipinas sa Tentative list ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) World Heritage.

Kasama sa mga bagong natural sites na naidagdag ay ang mga sumusunod:

– Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Agusan del Sur,
– Samar Island Natural Park at Pujada Bay Protected Landscape and Seascape na extension ng Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary World Heritage Site sa Davao Oriental

Para naman sa cultural sites, nasama sa listahan ang Sugar Cultural Landscape ng Negros at Panay Islands kabilang ang Guimaras, Colonial Urban Plan and Fortifications of the Walled City of Manila, at Corregidor Island and Historic Fortifications of Manila Bay.

Para naman sa mixed natural at cultural sites: Kitanglad and Kalatungan Mountain Ranges at Sacred Sites of Bukidnon and The Historic Towns and Landscape of Taal Volcano and its Caldera Lake sa Batangas province.

Una rito, noong Pebrero 1, isinumite ng Unesco National Commission of the Philippines sa World Heritage Center ang updated tentative list ng ating bansa kabilang ang 14 na natural sites, 8 cultural sites at 3 mixed natural at cultural sites, bunsod nito 25 na ang lugar sa bansa na kabilang sa listahan.