-- Advertisements --
Patay ang pitong katao matapos habang maraming iba pa ang sugatan sa nangyaring sand o dust storm sa Utah.
Nagdulot din ang insidente sa pagkakasira ng 20 sasakyan.
Ayon sa Utah Department of Public Service (DPS) nangyari ito malapit sa Kanosh.
Dinala na sa pagamutan ang ilang mga katao na nasugatan sa insidente.
Isinara ang kalsada sa lugar at ito ay binuksan din makalipas ng ilang oras.