-- Advertisements --
Nasa pitong katao ang nasawi sa patuloy na kilos protesta sa Peru.
Sumiklab ang kilos protesta matapos na matanggal sa puwesto ang dating pangulo na si Pedro Castillo.
Inaresto si Castillo dahil sa tinangka nitong tanggalin na ang kongreso.
Kabilang sa nasawi ay mga menor de edad habang ang iba ay pawang mga supporters ni Castillo.
Nanawagan kasi ang mga protesters ng general elections kung saan hindi sila pabor sa pamumuno ng pumalit kay Castillo na si Dina Boluarte.
Dahil sa kilos protesta ay naantala ang operasyon ng mga train at paliparan sa nabanggit na bansa.