Nasagip ng Philippine Coast Guard ang pitong mga pasahero ng lumubog na motorbanca sa bahagi ng Km 11 Sasa, Davao City.
Sa ulat, patungo sana sa Island Garden City of Samal ang MB Ruby nang hampasin ito ng malakas na alon na nagsanhi naman ng paglubog nito.
Matapos na makatanggap ng report mula sa mga tripulante ng naturang motorbanca ay agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-station Km 11 para rito.
Sa ngayon ay pawang nasa mabuti nang kalagayan ang mga nasagip na mga pasahero matapos sumailalim sa kaukulang medical evaluation.
Samantala, kaugnay nito ay pinuri naman Coast Guard District Southeastern Mindanao ang mga tauhanng Coast Guard Sub-station Km 11 nang dahil sa kanilang huwarang pagsisikap sa pagsagip sa mga biktima, kasabay ng patuloy na pagtataguyod sa commitment ng PCG pagdating sa pagpapatupad ng maritime safety. // mars
Top