-- Advertisements --

Nagpasalamat ang Embahada ng Pilipinas sa mga opisyal ng Iraq dahil sa tulong na ipinaabot nito para makauwi ang pitong Pinoy workers na biktima ng illegal trafficking.

Ayon sa Philippine Embassy sa Iraq, nagpasaklolo sa kanilang tanggapan ang naturang mga biktima noong Pebrero matapos mabatid na iligal ang kanilang employment sa naturang bansa.

Agad naman daw nagpaabot ng tulong gaya ng damit, sapatos at ilang gamit ang Iraqi officials habang pino-proseso ang mga papeles at kaso ng mga biktima.

Nagpasalamat din ang Embahada sa ilang Pinoy na bumisita at nagpaabot ng tulong sa kanilang mga kapwa overseas Filipino worker.