-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na bibigyan nila ng angkop na atensyon ang mga bagong botante sa darating na halalan.

Itinuturing din kasing ‘game changers’ ang mga bagong rehistrong botante, dahil sa laki ng kanilang bilang at ang panganib na masayang ang kanilang balota, kung sakaling magkakaroon ng mga pagkakamali.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, mayroong 7 million na bagong botante para sa paparating na eleksyon sa Lunes.

Giit ni Garcia, karamihan sa mga ito ay ngayon pa lang makikita at magagamit ang vote counting machines (VCM), kaya mahalagang maituro ng electoral board ang mga dapat at hindi dapat gawin sa balota at makina.

Lumalabas na 67.4 million ang kabuuang bilang ng mga botante, kung saan mahigit 84,000 ang local absentee voters at 1.6 million naman ang overseas voters.