-- Advertisements --

Nakumpleto na ang pitong koponan na otomatikong nakapasok sa 2024 Paris Olympics.

Pinakahuling nakapasok ay ang koponang Germany at Serbia ng talunin ng Canada ang Slovenia sa quarterfinals.

Ang Germany at Serbia kasi ay nakapasok na semifinals ng FIBA World Cup na itinuturing dalawang pinakamagaling na koponan sa European regions.

Ang 2 Americas Region naman na otomatikong nakapasok sa Paris Olympics ay napunta sa US at Canada na kapwa pasok rin sa Semifinals ng FIBA World Cup.

Habang ang ibang mga automatic bansa ay ang Australia sa Oceania region, Japan para sa Asia at South Sudan para sa African region.

Ang apat naman na natitrang puwesto ay malalaman sa mga qualifying tournament kung saan sa apat na event na binubuo ng anim koponan sa bawat torneo.

Ang magwawaging koponan sa apat na event sa July 2024 ay pasok na sa Olympics.