-- Advertisements --
Patay ang pitong katao matapos na sila ay pagbabarilin ng isang gang sa Haiti.
Naganap insidente habang ginagawa ang pagtitipon ng mga Christian church leader na nagmartsa sa Canaan sa suburb ng capital Port-au-Prince.
Ipinoprotesta ng nasabing grupo ang talamak na karahasang dulot ng mga local gang group.
Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa maraming mga iba pang mga biktimang sugatan ang itinakbo na sa pagamutan.
Kinondina naman ni Center for Analysis and Research in Human Rights director Gédéon Jean ang pangyayari kung saan dapat na panagutin dito ay ang pastor na namuno sa kilos protesta na dinala ang nasabing protesters sa kapahamakan at ang kapulisan na hindi napigilan ang pag-atake ng mga gang members.