Mismong si Philippine Military Academy (PMA) commandant of cadets B/Gen. Romeo Brawner ang nagsabi, na may desisyon na ang matataas na opisyal ng akademiya para isailalim sa court martial ang mga kadeteng suspek umano sa hazing case ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Dahil dito, kailangang dumaan sa court martial ang mga kadete para masampahan ng mga kasong administratibo.
Ligtas naman sa naturang proseso ang PMA officials na nadawit.
Ayon kay Brawner, reklamong paglabag sa Article of War 97 ang isasampa sa mga nasangkot na cadet.
Sa ngayon mananatili muna sa kustodiya ng PMA ang mga kadete sa pagsisimula ng court martial.
Pag-amin ni Brawner nagsimula na ang procedure pero hinihintay pa nila ang order ng General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines para mag-convene ang general court martial .
Hindi pa masabi ni Brrawner kung sino ang mga miyembro sa bubuuing GCM.










