-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pagod na umano sa pakikibaka at gustong mamuhay ng mapayapa ng pitong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central acting commander B/Gen. Eduardo Gubat na sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 1st Brigade Combat Team sa Barangay Pigkalagan sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas, mga bala, magasin at mga pampasabog.

Sinabi ni Gubat ang mga nagsisukong BIFF members ay tutulungan nilang makapamuhay ng tahimik sa kani-kanilang mga barangay.

Mula sa iba’t ibang bayan sa ikalawang distrito ng Maguindanao ang naturang grupo na mga kasapi ng isa sa tatlong faction ng BIFF.

Ang BIFF ang siyang tinutukoy na responsable sa mga serye ng pambobomba sa central Mindanao mula pa noong 2014.

Ang BIFF at kaalyado nitong Dawlah Islamiya ay hawig sa Islamic State of Iraq and Syria.

Nakatanggap naman ng inisyal na tulong ang pitong BIFF mula sa LGU-Sultan Kudarat.

Mahigit sa 300 na na mga BIFF ang sumuko sa iba’t ibang unit ng 6th ID at sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region nito lang nakalipas na tatlong taon.