CAUAYAN CITY- Nasugatan ang 7 anyos na bata matapos na mahagip ng isang motorsiklo sa barangay road na bahagi ng Brgy. Baculud, Ilagan City.
sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sangkot sa naturang insidente ang isang motorsiklo na minamaneho ni Melanio Coloma Jr , 54 anyos, may asawa, Kawani ng pamahalaan at residente ng barangay Centro Poblacion habang ang biktima ay Isang pitong taong gulang na batang lalaki.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station bago ang naturang insidente ay binabaybay umano ng motorsiklo ang nasabing lansangan patungo sa Barangay Centro Poblacion nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bumaba umano ang biktima sa sinakyan nitong taxi ng bigla na lamang tumawid sa kalsada dahilan para matagis ito ng paparating na motorsiklo.
Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima at agad dinala sa Isang pribadong pagamutan.
Nagharap naman ang magkabilang panig upang mag-usap sa maaaring mangyari o pananagutan ng tsuper ng motorsiklo sa insidente.