-- Advertisements --

NAGA CITY- Hindi makapaniwala ang isang youngest filipino artist matapos na mabalitaan na isa ito sa mga tatangap ng parangal mula sa 6TH International Prize for Leonardo da Vinci sa Milan Italy sa darating na Abril 13, 2024.

Hindi kasi aniya alam ng dalaga kung ano ang pinagbasehan upang makasali ito sa isang prestihiyosong parangal na mula pa sa Milan Italy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alyssa Lucelle Reynales, ang youngest filipino artist na tubong Quezon Province, sinabi nito na labis itong natutuwa sa nalaman na balita dahil nagbubunga na ang lahat ng kanyang pinaghirapan at minahal na pagpipinta.

Aniya, bata pa lamang ito ng mahilig na ito sa pagpipinta na sinusuportahan naman ng kanyang mga magulang. Binago umano ng arts ang kanyang buhay dahil ang sining ang naging katuwang nito sa pinansyal na problema at ito rin ang nakatulong sa kanya upang makapagtapos ng pag-aaral.

Samantala, taong 2020 naman ng magsimula itong sumali sa mga internationa exhibit at nitong nakaraang Disyembre, 2023 pa lamang ng ginuhit nito ang mother inside na nagpapakita umano ng pagmamahal ng isang ina sa kanilang mga anak. Gayundin ang kakayahan ng mga kababaihan sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Reynales, ang mga kabataan na nahihilig rin at may ganitong talento, na hangga’t bata pa at hanggat may oras pa ay huwag matakot mag pinta, huwag rin aniyang panghinayangan ang mga materyal na masasayang at ang halaga nito dahil ang mas nakakapag hinayang umano ay ang mga oras na hahayaan nila at ang mga oportunidad dahil sa takot at pagdududa sa sarili.

Sa ngayon, umaasa si Reynales na sa kanyang matatanggap na parangal, mas lalo pa nitong bubuhayin an art community sa kanilang probinsya.