LOS ANGELES – Kumamada ng 30 points si Kyrie Irving at may 16 naman si Marcus Smart sa 120-107 victory ng Boston Celtics kontra Los Angeles Lakers.

Nagtapos naman na may 16 points at pitong rebounds si Marcus Morris, at nagdagag ng 15 points si Gordon Hayward para sa Celtics na may maganda nang momentum para sa postseason matapos manalo sa ikatlong magkakasunod na pagkakataon sa kanilang four-game California Trip.

Sunod na makakalaban ng Boston sa darating na Martes (araw sa Pilipinas) ang Clippers.