-- Advertisements --

Mahigit 60 percent ng mga Pilipinong edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated kontra COVID-19 magmula nang i-rollout ang vaccination drive sa age grou na ito noong Nobyembre 2021, ayon kay Health Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje.

Aniya, 77 percent o katumbas ng 8.8 million mula sa 11.4 million na target population sa naturang age group ang naturukan ng first dose, habang 65.6 percent naman ang nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19.

Pero para sa mga batang mayroong comorbidity, sinabi ni Cabotaje na nasa 23 percent lamang o 299,000 mula sa 1.2 million kabataan ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Sinabi naman ni Cabotaje na nasa “horizon” o kinukonsidera na rin ang pagbibigay ng booster doses sa mga kabataan pero wala pa aniyang pag-aaral na nagsasabi o nagrerekomenda sa pagbibigay ng karagdagang doses sa mga batang edad 12 hanggang 17/