-- Advertisements --

Nasa 65 Philippine National Police (PNP) personnel na ang sinibak sa puwesto mula sa 250 pulis na nasampahan ng kaso ng Intergrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Ayon kay PNP-IMEG Director Col. Romeo Caramat, ongoing pa ang kaso ng ibang mga pulis.

Sa inilabas na datos ng PNP-IMEG, mula February 2017 hanggang September 11, 2019, nasa 250 PNP personnel na sangkot sa iba’t-ibang iligal na gawain ang nasampahan na ng kaso.

Tinatayang 124 sa mga nasampahan ng kaso ay naaresto na, habang ang nalalabing 126 ay kasong na-refer nila sa Department of Justice.

Bukod pa sa 250 PNP personnel, 224 naman na sibilyan at iba pang miyembro ng law enforcement agencies ang nakasuhan ng IMEG.

Samantala, sinabi ni Caramat na sa nasabing datos ay 67% ng mga nahuling pulis ay nasangkot sa robbery extortion, 11% ay sa kidnapping, 2 o 3% percent ang sangkot sa iligal na droga, at 1% ang sangkot sa slight physical injury.

Pinakamarami sa mga nadakip at nakasuhang pulis ay may ranggong patrolman, corporal at staff sergeant, habang ang pinakamataas na ranggo ay Police Lieutenant Colonel.

XXX