-- Advertisements --

Umaabot sa 65 mga overseas Filipinos ang panibagong nahawa sa coronavirus.

Kinumpirma ng DFA na ang naturang mga Filipino nationals sa abroad ay nagmula sa mga lugar sa Asia and the Pacific, Europe, ganon din sa Middle East at Africa.

Dahil dito umakyat na sa 9,692 ang kabuuang mga kaso sa mga Pinoy sa abroad.

Sa kabilang dako ang mga nakarekober naman sa deadly virus ay nasa 5,737, habang ang death toll ay nasa 702 na matapos na merong bagong naitala na pito.

covid cases OFW