Nakapagtala ng 63,000 pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong araw ng Sabado kasabay ng pagdagsa ng mga biyahero 2 araw bago ang Pasko.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 36,779 ang outbound passengers at 26,252 naman ang inbound passengers ang naitala sa iba’t ibang pantalan mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga.
Nagpakalat naman ang PCG ng 2,728 frontline personnel sa lahat ng 15 Coast guard districts sa buong bansa para sa karagdagang law enforcers at matiyak ang kaligtasan at maayos na pagbiyahe ng publiko.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admin, Armando Balilo, nananatiling nakataas ang alert sa kanilang mga nasasakupan hanggang Enero 3, 2024 para mapangasiwaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.