-- Advertisements --

Pumalo  sa mahigit 630,000 manggagawa hindi nakapagtrabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, sa naturang bilang, 169.232 ang kabilang sa informal sector.

Bilang tulong sa mga pansamantalang nawalan ng hanapbuhay bunsod ng enhanced community quarantine ay nagbigay aniya ang DOLE ng cash aid sa mga apektadong manggagawa.

Sa ngayon, P160 million na cash aid na ang kanilang naibigay at pinabibilisan din ang release ng tulong sa mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine, na nagsimula noong Marso 17 at nakatakdang matapos sa Abril 13.

Iginiit ni Bello na magkaiba ang cash aid na kanilang ibinibigay kumpara sa alokasyon na P5,000 hanggang P8,000 mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya na nagbibigay ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Tniyak naman din ng kalihim na pursigido rin ang kanilang ahensya sa pagbibigay ng tulong sa formal sector katulad ng ginagawa sa mga manggagawa sa informal secotrs.

Pero sa ngayon mayroon pa rin aniyang mga establisiyemento at kompanya na tumantangging magsumite ng report kalakip ang payroll ng kanilang mga empleyado para na tutulungan dapat ng DOLE.

“I, therefore, appeal again to companies that, for the sake of your employees and workers, submit your reports so that we may be able to extend them their most needed assistance under the COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP),” ani Bello.