-- Advertisements --
marijuana

Suportado umano ng maraming mga Pilipino ang pagsasalegal sa Marijuana bilang alternatibong pang-medikal dito sa Pilipinas.

Ito ay batay sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng isang independent think tank, mula Agusto 1-10.

Batay sa resulta, 63% ng kabuuang respondents ay pabor na isalegal na ang medical marijuana.

Ang nalalabing 37% ay ayaw o hindi pabor na isaligal ito.

Naniniwala rin ang mga respondents na kailangang magkaroon pa ng karagdagang mga pag-aaral ukol sa benepisyong makukuha sa pagsasalegal ng Marijuana.

Samantala, 38% ang naniniwala na ang pagsasalegal sa Marijuana ay maaaring makapagbigay ng alternatibong solution sa ilang mga problemang pangkalusugan, habang 29% ang kontra dito.

Batay pa sa nilalaman ng nasabing pag-aaral, 55% ng mag Pinoy respondents ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta na kailangang i-regulate ang medical marijuana.

Ang pagsasalegal ng marijuana ay isa sa mga itinutulak ng kasalukuyang kongreso, sa pamamagitan ng suporta nina Rep. Gloria Macapagal Arroyo (Pampanga, 2nd District) and Sen. Robin Padilla bilang pangunahing nagtutulak sa panukala.