Idineklara bilang ‘areas of grave concern’ o red code ang hanggang 63 liblib na barangay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang mga naturang brgy ay pawang nasa Probinsya ng North Cotabato.
Ayon kay BARMM Regional Director BGen. Allan Nobleza, ang mga naturang barangay ay matatagpuan sa anim na bayan ng North Cotabato na kasalukuyan nang binabantayan ng mga otoridad.
Samantala, maliban sa North Cotabato, binabantayan din aniya ang iba pang mga bayan at probinsya na nasa ilalim ng Bangsamoro Region.
Ito ay dahil pa rin sa posibilidad ng mga paggalaw ng mga masasamang elemento, kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Tiniyak naman ni Gen. Nobleza ang pagbabantay, hindi lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng Red Code kundi sa iba pang bahagi ng naturang rehiyon.