-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tumanggap ng tulong mula sa Bangsamoro Government ang 63 Barangay sa probinsya ng Cotabato.

Nanguna sa pamamahagi ng tulong si Ministry of Interior and Local Goverment (MILG) Minister Naguib Sinarimbo at Cotabato Board Member Kelly Antao.

Unang tumanggap ng tulong ang mga bayan ng Midsayap, Carmen, Kabacan, Pigcawayan at susundan ng Pikit Cotabato kung saan may mga Barangay ito na saklaw na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pinamumunuan ni Interim Chief Minister Ajod “Murad”Ebrahim.

Sampung kilong bigas, 10 kape, mga de lata, sabon at mga gamot, ito ang laman ng Food Packs ng bawat pamilyang nakatanggap ng tulong mula sa Bangsamoro Region.

Alay ito ng BARMM sa mga pamilyang naapektuhan ng Public Health Emergency sa banta ng Coronavirus Disease (Covid 19).

Labis naman ang pasasalamat ni North Cotabato Board Member Mohammad”Kelly” Antao Alhaj,Midsayap Mayor Romeo Arana,Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr,Pigcawayan Mayor Jean Roquero,Pikit Mayor Sumulong Sultan at Carmen Mayor Moises Arindain sa tulong ng BARMM Govt.