Nag-abiso na ang Manila Police District (MPD) sa mga motorista hinggil sa mga isasarang kalsada kasabay ng pagbubukas ng Bar Examinations ngayong buwan.

Ipapatupad ang naturang road closure sa tatlong linggo ng Nobyembre sa paligid ng University of Sto. Tomas na magsisilbing examination venue.

Magsisimula ito bukas November 3, sumunod ay sa November 10 at magtatapos sa 17.

Kabilang sa mga kalsadang maapektuhan ay ang P. Noval Street, Dapitan Street, at A.H. Lacson Avenue.

Samantala, stop and go scheme naman ang ipapatupad sa EspaƱa Boulevard sa pagitan ng alas-5:00 at alas-6:00 ng umaga; at alas-6:00 ng gabi.

Magpapakalat naman ng nasa 600 tauhan ang MPD sa palibot ng UST dahil sa inaasahang 8,000 examinees na magte-take ng Bar ngayong taon.

Mismong Supreme Court daw ang humiling ng mahigpit na pagbabantay mula sa Manila City government para magkaroon ng stand-by na rescue teams sa paligid ng examination venue.

Nangako naman ni MPD director police B/Gen. Bernabe Balba na mas mahigpit ang pagtutok na gagawin ng kanilang hanay para masiguro ang kaligtasan ng examinees ng Bar Exams.