NAGA CITY – Nagsimula na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 (Coronavirus Disease-2019) sa Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Bernard Brioso, sinabi nito na unang natanggap ng kanilang bayan ang nasa 600 doses ng naturang bakuna.
Ayon sa alkalde, 100 dito ang nakalaan na para sa second dose ng mga una ng nabakunahan.
Habang ang matitira naman ang pinaghati-hatian ng mga nasa kategorya ng “A1, A2 at A3 priority list” para sa vaccination kahapon.
Kaugnay nito, kasama sa mga nabakunahan laban sa COVID-19 ang mismong alkalde kung saan sinabi nito na wala naman itong naramdaman na anumang “adverse effects” ng bakuna.
Dagdag pa ni Brioso, sa nagpapatuloy na pagdating ng mga bakuna ay umaaasa ito na maabot ng bayan ang tinatawag na herd immunity.
Sa ngayon, target ng nasabing bayan na umabot sa 70,000 residente ang mabakunahan laban sa COVID-19.