-- Advertisements --
F Red Cross Meeting with Cebu Gov. Gwen Garcia

Aabot sa hindi bababa sa 60 pamilya sa bayan ng Alegria Cebu ang bibigyan ng libreng pabahay ng Philippine Red Cross Cebu Chapter.

Inihayag ni Atty. Maria Vera De Jesus, Administrator ng Philippine Red Cross Cebu, na natukoy na nila ang mga benepisyaryo ng libreng pabahay kung saan ang mga ito’y labis na naapektuhan ng Bagyong Odette na tumama noong Disyembre 2021.

Naninirahan pa ang mga ito sa tabing dagat kaya lubhang napinsala ng kalamidad.

May nakita na ring isang relocation site na malayo sa baybayin na kanilang tinitirhan.

Dagdag pa ni De Jesus na bibilhin ng lokal na pamahalaan ang lote habang pondohan ng Red Cross ang konstruksyon nito.

Humiling naman ito sa mga benepisyaryo na tumulong sa pagtatayo ng kanilang mga bagong tahanan.

Samantala dahil malayo ang relocation site sa dagat kung saan karamihan sa mga benepisyaryo ay naghahanapbuhay, nais ni Cebu Gov. Gwen na dapat turuan ang mga ito ng iba pang paraan ng paghahanapbuhay.