-- Advertisements --
pcso

Nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit P400 million na halaga ng tulong sa hindi bababa sa 60,000 Pilipino sa pamamagitan ng Medical Assistance Program (MAP) nito sa unang tatlong buwan ng taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Junie E. Cua na 60,779 indigents na may health problems ang nabigyan ng tulong na nagkakahalaga ng kabuuang P410,427,957 sa pamamagitan ng flagship programa nito.

Aniya, asahan umano ng publiko na tuloy-tuloy ang isinasagawang tulong ng ahensya para sa sambayanang Pilipino.

Sinasaklaw ng Medical Assistance Program ang iba’t ibang kahilingan para sa pagpapalaki ng pondo para sa mga medical concerns, tulad ng injection, cancer treatment, hemodialysis, laboratory, diagnostics bukod sa iba pa.

Ang Medical Assistance Program ay kinuha mula sa Charity Fund, na binubuo ng 30% ng mga net receipts o at eksklusibong ginagamit upang pondohan at suportahan ang mga programang pangkalusugan, tulong medikal at iba pang mga serbisyo.

Nagpahayag si Cua ng katiyakan na ang ahensya ay makakapaglingkod sa mas maraming Pilipino ngayong taon.