-- Advertisements --
Sugatan ang isang 60-anyos Filipino nurse sa artillery fire sa Tripoli, ayon sa Philippine Embassy sa Libya.
Sinabi ng embahada sa isang Facebook post na nasa ospital ang naturang nurse nang mangyari ang insidente.
Ayon sa embahada, malakas na putok ng mga baril at ilan pang pagsabog ang napaulat na narinig sa bahagi ng Tripli.
Kaya patuloy nilang pinaalalahanan ang Filipino community sa Libya na manatiling mapagmatyag at mag-ingat.
Hangga’t maari anila, manatili sa loob ng kanikanilang bahay ang mga Pilipinong nakatira malapit sa area o hindi kaya ay lumikas pansamantala sa mas ligtas na mga lugar.
Ang mga Pilipinong nangangailangan anila ng tulong ay maari silang tawagan sa +218944541283 at +218918244208.