-- Advertisements --

6 nasugatan matapos mabangga ng kotseng minamaneho ng isang pulis ang nakaparadang kulong-kulong sa Naguilian, Isabela
Unread post by bombocauayan » Mon Jan 02, 2023 7:05 am

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang 6 na tao matapos na mabangga ng kotseng minamaneho ng isang pulis ang nakaparadang kulong-kulong sa San Manuel, Naguilian, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Juniel Perez, hepe ng Naguillian Police Station na ang kotse ay minaneho ni PCorporal Frederick De Guzman, 37-anyos, residente ng City of Ilagan at nakatalaga sa Operations Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ang kulong-kulong ay minaneho ni Mark Gil Manzano, 33-anyos, lulan ang kanyang maybahay na si Mariana Manzano at tatlong anak na sina Mark Jay, Mark at Mark Guian.

Nakaparada ang kulong-kulong dahil hinihintay ng pamilya Manzano ang iba pa nilang kamag-anak.

Si PCorporal De Guzman naman ay galing sa kanyang duty sa IPPO at patungo sa Cauayan City.

Dahil umuulan at madulas ang daan ay nabangga nito ang nakaparadang kulong-kulong.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at ang pulis para malapatan ng lunas.

Nakalabas na sa pagamutan ang mga biktima maliban sa pulis at si Ginang Manzano na naka-confine pa rin ngunit nasa maayos na ang kanilang kalagayan.