-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kusang sumuko na ang anim sa 41 mga Good Conduct Time Allowance (GCTA) beneficiaries sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Boy ng Estancia, Iloilo, isa sa GCTA beneficiaries na hindi sumama sa pagpuga, sinabi nito na napilitang tumakas ang mga kapwa niya beneficiaries dahil naiinip na ang mga ito sa matagal na pagproseso ng kanilang release documents.

Ayon kay alyas Boy, ayaw din ng mga tumakas na ilagay ang mga ito sa mga compound kasama ang iba pang mga convicted na preso dahil hindi raw sila maituturing na mga bilanggo.

Una nang ipinag-utos ni Presidente Duterte ang boluntaryong pagsuko ng mga GCTA beneficiaries matapos may nakitang iregularidad sa pagpapatupad nito noong Agusto.

Mahigit 2,000 na dating inmates ang tumupad sa utos ni President Rodrigo Duterte at sumuko.

Ang Iwahig Penal Colony ay isa sa mga prison facilities na pinapatakbo ng Bureau of Corrections.