-- Advertisements --

Nasa anim na katao ang nasawi matapos ang naganap na pamamaril kasabay ng July Fourth Parade sa Chicago.

Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang tumakas na suspek sa Highland Park, Illinois.

Dinala naman sa pagamutan ang 16 na katao matapos na sila ay nasugatan sa insidente.

Sinabi ni Chicago Mayor Lori Lightfoot, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente kung saan tumulong na rin ang FBI.

Kinansela na rin ng mga karatig na bayan ng Illinois ang pagdiriwang nila ng 4th of July at maging ang mga train stations ay kanilang pinahinto dahil sa insidente.

-- Advertisement --