-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Jerusalem.
Sa nasabing insidente ay walong katao rin ang naitalang sugatan kung saan isang Palestino umano ang sugatan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, na dumating ang dalawang suspek na lulan ng isang kotse at doon pinagbabaril ang mga tao sa bus stop sa Ramot Junction.
Gumanti naman ng putok ang isang off-duty na sundalo at isang sibilyan hanggang mapatay ang mga suspek.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng limang lalaki na edad 25 hanggang 79 at isang 60-anyos na babae.
Ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu na kaniyang aalamin kung paano nakalusot ang mga suspek.